DENVER -- Isang siko sa panga ang natanggap ni Timofey Mozgov. Ipinagpag ito ng 7-foot-1 center at nagtala ng career high na 23 points para igiya ang Denver Nuggets sa 111-99 panalo laban sa Los Angeles Lakers.
Naglista din si Mozgov ng 9 rebounds at 4 blocked shots para sa panalo ni Nuggets coach Brian Shaw, naging miyembro ng limang championship teams ng Lakers bilang player at assistant coach.
Nagposte naman si Kenneth Faried ng 21 points at 13 rebounds para sa Nuggets.
Nag-ambag si guard Ty Lawson ng 19 markers para sa Denver na tinalo ang Lakers sa ikaapat na sunod na pagkakataon sapul noong 1994.
Pinangunahan ni center Pau Gasol ang Lakers mula sa kanyang 25 points.
Sa San Antonio, binanÂdeÂrahan ni Tony Parker ang anim na Spurs players na kumana ng dobleng pigura sa kanyang pagtipa ng 16 puntos upang ibigay sa koponan ang 92-79 panalo laban sa Washington Wizards.
Tumapos si Boris Diaw ng 15 puntos, nagdagdag si Kawhi Leonard ng 13 puntos at naglista sina Manu Ginobili at Marco Belinelli ng tig-10 puntos para sa San Antonio, habang gumawa si Tiago Splitter ng 12 puntos at siyam na rebounds.
Sa Portland, nagsalpak si Damian Lillard ng isang layup sa huling 6.5 segundo para ibigay sa Trail Blazers ang 90-89 victory laban sa Phoenix Suns.
Sa Philadelphia, inukit ni Tony Wroten ang kanyang kauna-unahang career triple-double, kasabay ng pagposte ni James Anderson ng career-high 36 puntos at go-ahead basket ni Spencer Hawes sa huÂling 34 segundo ng overtime upang tuluÂngan ang 76ers sa 123-117 taÂgumpay sa Houston RoÂcÂkets.
Nagtala si Wroten ng career high 18 puntos, 10 rebounds at 11 assists sa kanyang unang start kapalit ng injured rookie na si Michael Carter-Williams.
Tumapos si Jeremy Lin ng 34 puntos at nagdagdag si Dwight Howard ng 23 puntos at 15 rebounds para sa Rockets.