Laro Ngayon
(Ynares Sports
Arena, Pasig City
2 pm PLDT vs Cignal (W)
4 pm TMS vs RC Cola (W)
6 pm Maybank
vs Giligan’s (M)
MANILA, Philippines - Ipakikita ng nagdeÂdeÂpensang kampeon TMS-Philippine Army ang kakayahang maidepensa pa ang titulo sa pagharap sa baguhang RC Cola sa pagpapatuloy ngayon ng Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Tinalo ang Cignal para sa kampeonato sa kaÂuÂna-unahang PSL tournament ilang buwan na ang nakakaraan, ibinalik ng Lady Troopers ang mga inaasahan tulad nina Jovelyn Gonzaga, Tina Salak at Mary Jean Balse at pinalakas ang line-up sa pagkuha kina Wanitchaya Luangtonglang ng Thailand at Yuki Murakoshi ng Japan.
Karanasan ang panguÂnahing sandata ng koponan ni coach Rico de Guzman dahil mga beterano ang kanyang mga players.
Ang laro ay itinakda matapos ang tapatan ng pumangalawa noong nakaraang conference na Cignal laban sa pinalakas na PDLT sa ganap na alas-2 ng hapon.
Hindi makakalaro ang MVP sa nagdaang confeÂrence na si Venus Vernal dahil sa injury pero nasa HD Spikers pa rin sina Maureen Ouano, Michelee Datuin at liberong si Jheck Dionela upang makipagtulungan sa mga matatangkad na Chinese imports na sina Xie Lei at Li Zhan Zhan.
Ang huling laro dakong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Mayback at Giligan’s sa men’s division at ang papalarin ang makakasalo ng pahingang PLDT sa tuktok ng standings sa apat na koponang liga na may ayuda pa ng Asics, Mikasa, LGR at Solar Sports.