^

PSN Palaro

Women’s basketball, golf team kasama na sa SEAG

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyan na ng go-sig­nal ng POC-PSC Task Force SEAG ang wo­men’s basketball team na makasama sa Pambansang delegasyon na maglalaro sa Myanmar SEA Games.

Nagpulong kahapon sina PSC chairman Ricardo Garcia, POC chairman Tom Carrasco Jr.  at POC 2nd VP at Chief of Mission Jeff  Tamayo at na­pagdesis­yunan din ang pagsama ng tatlo-kataong women’s golf team.

“Kasama na ang wo­men’s basketball at golf teams. Maganda ito lalo na sa gender equity ng de­le­gation,” wika ni Tamayo.

Sa pagsama ng dalawang delegasyon, ang bi­lang ng atleta ay nasa 202 habang ang coaches ay nasa 78 katao. May 33 pa ang bilang ng medical at secretariat.

“It’s a good number and I know they will represent the country well,” naman ni pahayag ni Garcia.

Naunang nalagay sa alanganin ang womens cage team na masama sa delegasyon nang tuma­pos lang sa pang apat na puwesto sa Fiba Asia Championship for Women.

Tinalo ng koponan ang host at 2011 SEAG titlist Thailand pero natalo sa Ma­laysia at Indonesia.

Ngu­nit binigyan ng TF ng timbang ang katotoha­nan na ang Fiba Asia ang natatanging international tournament na sinalihan ng Perlas matapos manalo ng pilak noong 2011 sa Indonesia.

Kasabay nito ay sinabi rin ni Tamayo na si wrest­ler Jason Balabal na ang flag bearer ng delegasyon sa opening ceremony sa Disyembre 11.

“Naayos na ang sche­dule ni Jason,” ani Tamayo.

Ang wrestling ay isa sa mga sports na maagang gagawin at lalaruin ito sa Yangon habang sa Nay Phi Taw ang opening ng kompetisyon.

 

CHIEF OF MISSION JEFF

FIBA ASIA

FIBA ASIA CHAMPIONSHIP

JASON BALABAL

NAY PHI TAW

RICARDO GARCIA

SHY

TAMAYO

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with