Isa na lang sa San Beda
MANILA, Philippines - Nagtulong sina Baser Amer at John Ludovice sa limang tres sa huling walong minuto ng labanan upang katampukan ang 80-68 tagumpay ng San Beda sa Letran sa paÂnimulang laro ng 89th NCAA men’s basketball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tumapos ang dalawang guards taglay ang 11 puntos at si Amer ay may tatlong tres habang dalawa ang pinakawalan ni LudoÂvice upang tabunan ng Red Lions ang 52-57 iskor.
Si Ola Adeogun ay may 11 puntos at pito ang kanyang kinamada sa huling 10 minuto ng labanan na kung saan umiskor ang three-time defending champion ng 33 puntos na ikinatuwa ng mga fans sa pangunguna ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan.
“We scored 33 points and credit to our defense. We were down by six points heading into the fourth period and I just told the boys to stick to our system and make stops and score,†wika ni Lions coach Boyet Fernandez.
Ang Game Two ay gagawin sa Huwebes at kung maulit ng Lions ang panalo ay makukuha nila ang ika-18th NCAA title at una para kay Fernandez.
Nasayang naman sa Knights ang mainit na pagÂlalaro sa ikatlong yugto nang maiwan si Mark Cruz na umoopensa.
Ang MVP ng liga na si Raymond Almazan ay kinamada ang lahat ng kanyang 16 puntos sa seÂcond half pero 14 rito ay nangyari sa ikatlong yugto na kung saan umiskor ng 29 ang Letran para kunin ang 53-47 bentahe.
Ngunit si Adeogun ang nagdomina sa huling yugto para matambakan ang Knights.
May 11 rebounds pa si Adeogun habang si Amer ay naghatid pa ng walong rebounds at anim na assists para sa Lions.
Tumapos si Cruz taglay ang 22 puntos, pitong rebounds at pitong assists.
Si Kevin Racal ay may 12 puntos ngunit ang ibang inaasahan tulad nina Jonathan Belorio, Rey Nambatac at John Tambeling ay may 10 puntos lamang.
Lumapit din ang San Beda Red Cubs sa isang panalo tungo sa 20-0 sweep sa juniors division nang pabagsakin ang CSB-LSGH, 79-68, sa unang laro.
May 21 puntos si Arvin Tolentino para sa Red Cubs na may apat na manlalaro nasa doble-pigura tungo sa paghablot ng kanilang ika-19th sunod na panalo sa ilalim ng rookie head coach Jayvee Sison.
- Latest