^

PSN Palaro

Rivera nag-init, inagaw ang liderato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-init ang dating World Masters at Asian Games gold medalist na si Biboy Rivera ng TBAM/Prima/RP nang magpagulong ng 1545 pinfalls para kunin ang liderato sa Class O men’s all-events sa 42nd Philippine International Open Tenpin Bowling Championships noong Biyernes sa Sta. Lucia Mall center sa Sta. Lucia  East Grand Mall sa Cainta, Rizal.

Si Rivera ay gumawa ng 639 series sa singles, 449 sa doubles, 457 sa trios para iwanan sina Jeff Chan ng TBAM/Prima (1521) at Chester King (1478) sa 15-araw na torneo na may basbas ng WTBA at ABF.

Si TBAM/Prima’s Mitch Espinosa ay gumawa ng 1288 para kunin ang liderato sa men’s Graded Masters elims at si Noelle Campos ang lumagay sa unang posis­yon sa inirolyong 895 sa ladies Rookie Masters.

Ang national bowlers na sina Krizziah Tabora (TBAM/Prima/RP) at Raoul Miranda (MTBA/RP) ang siyang ma­tinding karibal nina Masters champions Liza del Rosario at Jonas Baltasar sa 1245 at 1366.

Nasa pangalawang puwesto sa kababaihan sina Liza Clutario (1245) at Christelle Peig (1201) .

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

CHESTER KING

CHRISTELLE PEIG

CLASS O

EAST GRAND MALL

GRADED MASTERS

JEFF CHAN

JONAS BALTASAR

KRIZZIAH TABORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with