MANILA, Philippines - Magbibigay ng kanyang talumpati si Manny V. PaÂngilinan, ang basketball patron at prime mover ng Philippine cage program, sa “A Banquet of Heroesâ€ng PBA Press Corps sa Martes na inihahandog ng Meralco sa Wack Wack sa Mandaluyong.
Ikukuwento ng business tycoon, gumastos sa Gilas-PiÂlipinas, ang pinagdaanan ng National Five bago makakuha ng tiket para sa 2014 World Championships sa Spain.
Ito ang magiging tampok sa event na magpaparangal sa mga indibidwal na nagbigay ng kontribusyon sa nakaraang PBA season.
Ang Team PBA, kasama si Pangilinan, na binubuo ng mga team owners na sina Ramon S. Ang, Bert Lina, Mikee Romero, George Chua, Raymund Yu at Terry Que at Wilfred Uytengsu, ang paboritong manalo ng Executive of the Year trophy na ipinangalan sa yumaong si Crispa bossman Danny Floro.
Binasag ng PBA ang lahat ng box-office records sa nakaraang season kung saan nagsakripisyo ang mga team owners sa pagpapahiram sa kanilang mga players para sa Gilas Pilipinas.
Pag-aagawan nina Grand Slam-winning coaches Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee ang Coach of the Year award, ipinangalan kay Baby Dalupan, bukod pa kay Luigi Trillo ng Alaska.
Ang formal affair na magsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi ay pamamahalaan nina Quinito Henson, Sev Sarmenta at Erika Padilla bilang emcee.
Pararangalan din ng mga miyembro ng 1973 at 1986 champion Asian Basketball Confederation teams ang mga bagong National players.
Kinumpirma na nina Bogs Adornado, ipinangalan ang Comeback Player of the Year award, Jimmy Mariano, ManÂny Paner at Yoyong Martirez ng 1973 team ang kaÂnilang pagdalo.