Superliga Grand Prix import dumating na

MANILA, Philippines - Dumating na ang siyam na foreign players na makikita sa aksyon sa darating na Philippine Superliga Grand Prix 2013 na magbubukas sa Linggo sa The Arena sa San Juan.

Bumilib ang mga coaches mula sa defen-ding champion TMS-Army, PLDT, Cignal, Petron, Cagayan Army at bagitong RC Cola, may bahagi sa Air Asia-Zest at Zesto juice drinks, sa husay ng mga foreign players.

Kumampanya na ang mga foreign players sa mga ligang may basbas ng FIVB (International Volleyball Federation) at ng AVC (Asian Volleyball Confederation).

Sapat na ang kanilang mga eksperyensa para maging mabigat ang labanan sa PSL na unang isinagawa ang PSL Invitationals noong Hulyo.

Sinabi naman ni TMS-Army coach Rico de Guzman na ang paglalaro ng mga foreign players sa kanilang koponan ay magbabalanse sa kompetisyon.

“While the imports can pull our games higher, the local players should step up and play with even more grit and intensity because the Superliga now becomes an even more serious battlefield for our club players,” ani De Guzman.

Ito naman ay kinatigan nina Cignal coach Sammy Acaylar, Cagayan Valley mentor Ness Pamilar, PLDT coach Roger Gora­yeb at RC Cola mentor Ronald Dulay.

Sinabi naman ni Ramon Suzara, ang presidente ng PSL at top man ng nag-oorganisang SportsCore, na may hinihintay pa silang ilang foreign players para makumpleto ang listahan.

“The Grand Prix will feature rosters which are even in all angles. While talent and skills of players count, it’s going to be the job of the coaches to make their games work and notch as many wins as possible to claim the crown,” sabi ni Suzara sa Grand Prix na suportado ng Asics, Mikasa, LGR at Jinling Sports.

Show comments