MANILA, Philippines - Dalawang araw matapos ang 2013 PBA Rookie Draft ay dinala ng Globalport si No. 7 overall pick Isaac Holstein sa San Mig Coffee bilang kapalit nina No. 10 pick Justin Chua at veteran forward Leo Najorda.
Mismong ang 6-foot-7 na Fil-American cager ay nagulat sa nangyari sa kanya.
“Thanks for the instant support from everyone! As a rookie kind of a confusing time but you make the most of opportunities.. I’ll give my all,†wika ni Holstein sa kanyang Twitter account na @IHolstein5 kahapon.
Idinahilan ni Mixers’ head coach Tim Cone na puno na ang kanilang frontline na kinabibilangan nina Marc Pingris, Rafi Reavis, Yancy de Ocampo, Jewel Ponferada at No. 2 overall pick Ian Sangalang kaya ibinigay nila sina Najorda at Chua sa Batang Pier kapalit ni Holstein.
Sinabi ni Holstein. naging miyembro ng cadet team ng Gilas Pilipinas na naglaro sa Dubai Cup at produkto ng West Virginia College, na patuloy niyang isusuot sa San Mig Coffee ang No. 5 jersey.
“Thanks for the number suggestions but it turns out @SMCMixers had #5 available so I will be sticking to my career number!,†sabi ni Holstein, ginagamit ang No. 5 jersey sa koponan ng Big Chill sa PBA D-League.
Pinasalamatan naman ng 6’6 na si Chua ang mga fans na sumusuporta sa kanyang paglalaro para sa Globalport.