MANILA, Philippines - Naihabol ng POC-PSC Task Force SEA Games ang pangalan ng women’s golf team para sa ipapaÂdalang delegasyon ng PiliÂpiÂnas sa Myanmar.
Sina Princess Superal, Mia Legaspi at Katerine BriÂon ang magdadala ng laban sa women’s team at ipinalalagay na maÂkakapagbigay sila ng maÂgandang laban lalo na si Superal, ang Asian Youth Games champion at sariwa sa pagkapanalo sa Ladies Philippine Golf Tour sa Camp John Hay sa BaÂguio City.
“We are sending the woÂmen’s golf names with a special request for accreditation with the Myanmar South East Asian Games OrÂganizing Committee. SaÂna ma-accommodate taÂyo,†wika ni Chief of Mission Jeff Tamayo.
Isang pagpupulong pa ang gagawin nina PSC chairÂman Ricardo Garcia at golf association president TomÂmy Manotoc pero tiwaÂla si Tamayo na sasang-ayuÂnan nila ang paglalaro ng koponan sa SEAG.
Ibinalita pa ni Tamayo na ang men’s team ay paÂsaÂdo na rin sa delegasyon.
Ito ay bubuuin nina John Kier Abdon, Rupert ZaÂragosa, Jobim Carlos at Justin Quiban.
Samantala, may posibiÂlidad na masama rin ang woÂmen’s basketball team maÂtapos magkaroon ng haÂting opinyon ang mga sports officials.
Ang koponan ay natalo sa Malaysia at Indonesia matapos silatin ang host at 2011 SEA Games gold meÂdalist Thailand para tuÂmapos sa pang-apat na puwesto sa FIBA Asia ChamÂpionship for Women LeÂvel II sa Bangkok, Thailand.