Gintong medalya sa Myanmar SEA Games target ni Amit

Naghahanda ng kanyang diskarte si Rubilen Amit sa JBET.com Queens Cup. (Kuha ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines - Matapos angkinin ang korona ng 2013 Yalin Wo­men’s World 10-Ball crown, ang gintong medalya naman sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar ang target ni Rubilen Amit.

Sasabak si Amit sa 10-ball at 9-ball event sa 2013 Myanmar SEA Games sa Disyembre.

“That (9-ball gold) is real­ly my target,” sambit ni Amit.

Apat na gintong me­dalya ang natumbok ni Amit sa­pul nang isama ang billiards and snooker event sa SEA Games noong 2005.

Winalis niya ang mga gold medal sa 8-ball at 9-ball events noong 2005 at 2009 SEA Games at isang bronze medal sa 8-ball no­ong 2007.

Kasalukuyang nagla­laro si Amit sa JBET.com Queens Cup kasama ang mga bigating sina Allison Fi­­sher, Kelly Fisher, Jasmin Ouschan, Vivian Villareal, Ga Young Kim, Pei Chen Tsai at Siming Chen.

Show comments