Gintong medalya sa Myanmar SEA Games target ni Amit
MANILA, Philippines - Matapos angkinin ang korona ng 2013 Yalin WoÂmen’s World 10-Ball crown, ang gintong medalya naman sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar ang target ni Rubilen Amit.
Sasabak si Amit sa 10-ball at 9-ball event sa 2013 Myanmar SEA Games sa Disyembre.
“That (9-ball gold) is realÂly my target,†sambit ni Amit.
Apat na gintong meÂdalya ang natumbok ni Amit saÂpul nang isama ang billiards and snooker event sa SEA Games noong 2005.
Winalis niya ang mga gold medal sa 8-ball at 9-ball events noong 2005 at 2009 SEA Games at isang bronze medal sa 8-ball noÂong 2007.
Kasalukuyang naglaÂlaro si Amit sa JBET.com Queens Cup kasama ang mga bigating sina Allison FiÂÂsher, Kelly Fisher, Jasmin Ouschan, Vivian Villareal, Ga Young Kim, Pei Chen Tsai at Siming Chen.
- Latest