^

PSN Palaro

Romero pinalakas ang Globaport

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Marami ang nagulat nang makita si Rico Villanueva sa entablado kasama ang Globalport sa 2013 PBA Rookie Draft noong Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Ito ay dahil inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang pagkuha ng Batang Pier sa 6-foot-6 na si Villanueva mula sa Barako Bull Energy bilang kapalit ni two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller kasama si Hans Thiele.

Si Villanueva ang papalit sa posisyon ng 6-foot-8 na si Yousef Taha, ibinigay ng Globalport sa Petron Blaze sa isang three-team trade sangkot ang Barako Bull.

“Panalo na lang ang kulang,” sabi ni team owner Mikee Romero sa kanyang Batang Pier na kinuha sa draft sina Far Eastern University guards Terrence Romeo at RR Garcia, 6’7 center Isaac Holstein at forward Nico Salva.

Ang Globalport ang sinasabing nagpalakas sa pamamagitan ng pagkuha sa mga batang players.

Bukod kina Mercado at Villanueva, muling ipaparada ng Batang Pier sina Jay Washington, Jondan Salvador at Jaypee Belencion para sa darating na 39th season ng PBA na magbubukas sa Nobyembre 17.

 

ANG GLOBALPORT

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BATANG PIER

COMMISSIONER CHITO SALUD

FAR EASTERN UNIVERSITY

GLOBALPORT

HANS THIELE

ISAAC HOLSTEIN

JAY WASHINGTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with