MANILA, Philippines - Minsan lamang gumaÂmit ng social media si Talk ‘N Text at Meralco team owner Manny V. Pangilinan.
Bago pa man ang 2013 PBA Rookie Draft noong Linggo ay marami nang naÂbigla sa aksyon ng Barako Bull.
At isa na dito si PangiliÂnan.
“Barako gave up all its 1st round picks, and did its 2nd round. ‘The world wonders’ - Admiral Chester W Nimitz :),†sabi ni Pangilinan sa kanyang Twitter account na @iamMVP.
Matapos dalhin si dating Ateneo pointguard Eman Monfort sa Barangay Ginebra bilang kapalit ni reserve guard Rob Labagala ay siÂnibak naman ng Energy si ‘active consultant’ Rajko ToÂroman.
Sa PBA Draft ay ipinagpalit naman ng Barako Bull ang kanilang No. 4, 5 at 6 overall picks sa Ginebra, Petron Blaze at Globalport.
Ibinigay ng Energy ang kanilang No. 4 pick sa Gin Kings kapalit nina veteran Rico Maierhofer at Willy Wilson, habang nakuha nila sina Magi Sison at Mark Isip mula sa Boosters.
Ipinagpalit naman ng Barako Bull ang kanilang No. 6 pick sa Globalport para kay veteran guard Denok Miranda.
Dinala rin ng Barako Bull si center Rico Villanueva sa Globalport para muling makuha si two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller at Hans Thiele.
Sinabi ni PBA Commissioner Chito Salud na walang masama sa natuÂrang mga aksyon ng Energy.
“If the issue is strategy, wisdom and rationale behind Barako’s or any other team’s decision to trade their picks for current stars or vice versa, that’s obviously not within my province to explain or second-guess,†wika ni Salud.
Sa PBA Draft ay kinuha ng Barako Bull sina Jeric Fortuna, Carlo Lastimosa, Darwin Cordero, Jett Vidal at Mike Silungan.
Nanatili sa kanilang kamÂpo sina Danny Seigle, Mick Pennisi, Ronjay Buenafe, JC Intal at Jonas Villanueva.