MANILA, Philippines - May 120 mga batang edad 6 hanggang 16 anyos ang sasali sa 2013 Fruitas Basketball Camp mula Nobyembre 9 hanggang Disyembre 1 sa Dapitan Sports Complex.
Inanunsyo ni MASCO officials Norbie Rivera, daÂting San Miguel cager at collegiate coach Dino Ponce-Enrile ang kaganapan na isasagawa katuwang ang Manila Sports Council sa ilalim ng liderato ni Manila Mayor Joseph Estrada at chairman Philip Cezar. Tuwing Sabado at Linggo ang Camp at anim na collegiate mentors ang magtuturo sa fundamentals ng basketball mula Nobyembre 17.
Ang mga matututunan ng mga kalahok ay makikita sa isasagawang mini-tournament para sa 6-10 at 11-16 years old.
Isang single round robin ang format at ang manguÂngunang dalawang koponan ang magtatagisan sa titulo at ang dalawang koponan ang magtutuos para sa ikatlong puwesto.
Ang Fruitas na siyang magtataguyod sa programa ay isa sa nangunguna sa pagpapaunlad ng amateur basketball at sila ay nagpasok dati ng koponan sa PBA Developmental-League nang kunin ang core players ng FEU ng UAAP.
Ang kagamitan sa Camp ay ipagkakaloob ni District IV zone chairman Allan Dale Basco.