Julaton tinalo ang Mexican via majority decision

MANILA, Philippines - Binuhay ni Fil-Ame­rican boxer Ana “The Hurricane” Julaton ang kanyang pagnanais na muling mapasakamay ang women’s world super bantamweight crown matapos talunin si Mexican boxer Perla Her­nandez sa Yucatan, Mexico.

Nalampasan ni Julaton ang putok sa kanyang kanang kilay para umiskor ng isang majority decision victory laban kay Hernandez.

Tumanggap si Julaton (13-4-1, 2 KOs) ng mga iskor na 97-93, 98-94 at 95-95 para talunin si Hernandez (10-7-3, 2 KOs).

Nalasap ni Julaton ang sugat sa kanyang kanang kilay matapos ang accidental headbutt sa kanya ni Hernandez sa sixth round.

Bagamat tuluy-tuloy ang pag-agos ng dugo sa kanyang kanang kilay ay naging agresibo pa rin si Julaton hanggang sa tenth round.

Hangad ni Julaton na muling makuha ang dati niyang suot na World Bo­xing Organization (WBO) super bantamweight title na inagaw sa kanya ni Yesica Marcos sa  Argentina noong Marso 2012.

Bago talunin si Hernandez ay nanggaling muna si Julaton sa pagkatalo kay Celina Salazar noong Agosto sa Mexico.

Show comments