MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, hinirang ng Barangay Ginebra si seven-foot center Greg Slaughter bilang No. 1 overall pick ng 2013 PBA Rookie Draft kahapon sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.
Sinabi ni head coach Ato Agustin na minsan lamang magkaroon ng isang higante sa draft kaya sinamantala na nila ang pagkakataon.
“You know naman na after 15 years bago tayo nagkaroon ng isang ganyan kalaking player since Marlou Aquino,†wika ni Agustin sa 25-anyos na si Slaughter.
Noong 1996 ay hinugot ng Ginebra ang 6’9 na si Aquino bilang top overall pick matapos ang 7’1 na si Edward Joseph Feihl bilang No. 2 overall pick noong 1995.
“Magiging malaking tulong para sa amin si Greg,†dagdag pa ni Agustin.
Natuloy din ang trade sa pagitan ng Gin Kings at Energy nang ibigay ng Ginebra sina Rico Maierhofer at Willy Wilson sa Barako Bull para makuha si No. 4 pick James Forrester ng Arellano University.
Nauna munang kinuha ng San Mig Coffee si 6’6 Ian Sangalang bilang No. 2 kasunod si 6’7 Raymond Almazan ng Rain or Shine.
Ang No. 5 ng Barako Bull ay ibinigay nila sa Petron Blaze kapalit nina Magi Sison at Mark Isip.
Ang nasabing pick ay dinala naman ng Boosters sa Globalport para mahugot si 6’7 Yousef Taha kapalit ni UAAP MVP Terrence Romeo.
Ibinigay ng Batang Pier si Denok Miranda sa EnerÂgy para masikwat ang No. 6 pick na si RR Garcia.
Ang iba pang nakuha sa first round ay sina Isaac Holstein (No. 7) ng Globalport, Ryan Buenafe (No. 8) ng Alaska, Alex Nuyles (No. 9) ng Rain or Shine at Justine Chua (No. 10) ng San Mig Coffee.
Ang mga nakuha sa second round ay sina No. 11 Nico Salva (Globalport), No. 12 Jeric Teng (Rain or Shine), No, 13 Justin melton (San Mig Coffee), No. 14 Jeric Fortuna (Barako Bull), No. 15 JP Erram (Talk ‘N Text mula sa trade sa Alaska), No. 16 Eric Camson (Air21), No. 17 Robby Celiz (Talk ‘N Text), No. 18 Chris Exciminiano (Alaska), No. 19 Gaylord Rodriguez (Rain or Shine) at No. 20 Carlo Lastimosa (Barako Bull).
Sa third round ang mga nahugot ay sina No. 21 Joshua Webb (Air21), No. 22 Joefer Custodio (Globalport), No. 23 Darwin Cordero (Barako Bull), No. 24 LA Revilla (Globalport mula sa trade sa Ginebra), No. 25 Sam Marata (Petron), No. 26 Anjo Caram (Meralco) at No. 27 Raymund Ilagan (Alaska).
Magbubukas ang 39th season ng PBA sa Nobyembre 17 tampok ang Philippine Cup na pinagharian ng Tropang Texters sa nakaraang tatlong taon.