^

PSN Palaro

Antipolo hari ng Cobra-Urge Bike Stunts

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipakita ng 18-anyos na si Brian “Bry Dagger” Antipolo ng Marikina City ang kanyang husay sa BMX Street competition nang kanyang pangunahan ang nilahukang dibisyon sa Cobra Energy Drink-Urge Ride Rules Tour Season 2 Grand Finals kamakailan sa Rizal Park.

Si Antipolo na isang wildcard entry lamang ay hinangaan sa kanyang 360 bar-spin at Big Air-Bar Spin para manguna sa Pro/Expert division. Dating sumasali si Antipolo sa Beginner/Novice division lamang pero iniakyat ng organizers dahil sa nakitang galing.

Si Darkhorse Migs Serbanda ng Las Piñas City at Anthonie Bitancor ang kumuha sa ikalawa at ikatlong puwesto.

Ang iba pang nanalo ay sina Paul Diaz, Renz Viaje, EJ Serabia at  Christian Dave Quilanlan sa apat na ibang kategorya.

Si Diaz ay nanguna sa BMX Box Jump, si Viaje ang kampeon sa BMX Flatland; si Serabia ang nagdomina sa MTB Box Jump.

ANTHONIE BITANCOR

BIG AIR-BAR SPIN

BOX JUMP

BRY DAGGER

CHRISTIAN DAVE QUILANLAN

DRINK-URGE RIDE RULES TOUR SEASON

GRAND FINALS

LAS PI

MARIKINA CITY

PAUL DIAZ

RENZ VIAJE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with