^

PSN Palaro

Arboleda umatras, men’s golf team nanganganib na ‘di masama sa SEAG

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalalagay sa alanganin ang pagpapadala ng men’s golf team matapos ang pag-atras ng isang manlalaro na nauna nang pina­yagang maglaro ng POC-PSC  Task Force SEA Games.

Si Fil-Am Anton Arboleda na naunang nagpasabi na maglalaro sa pambansang koponan ay hindi na makakasama dahil ang Myanmar Games ay tatama sa kanyang pag-aaral sa US.

Ang iba pang kasapi ng koponan na naunang binigyan ng go-signal ay sina Rupert Zaragosa, Jobim Carlos at Justin Quiban.

Si Arboleda ay pinalitan ni John Kier Abdon pero hindi pa matiyak kung maipapadala ng koponan dahil sa pagbabago ng lineup.

Isa sa kriteria ng Task Force ay ang matiyak na ang mga ilalabang ko­ponan ay puwedeng manalo ng ginto.

Kasabay nito ay alanga­nin na rin ang pagpapadala sa women’s basketball team na hindi umabante sa preliminary round sa 2013 FIBA-Asia Championship for Women na ginagawa sa Bangkok Youth Center sa Bangkok, Malaysia.

Ang di inaasahang pagkatalo ng Pilipinas sa Malaysia, 56-60, at sa Indonesia, 54-60, ang nagpawalang-saysay sa tatlong dikit na panalo na kinatampukan ng 60-56 panalo sa host Thailand.

Ang Thailand ang tu­malo sa Pilipinas sa Indonesia SEA Games para sa gintong medalya.

Tumapos ang koponan ni coach Haydee Ong sa pang-apat na puwesto lamang kasunod ang Indonesia kahit pareho silang may 3-2 baraha.

Ang Thais at  Malaysian na may magkatulad na 4-1 baraha ang nanguna sa Level II at nakatapat ang India at Kazakhstan sa playoff para malaman kung sino ang dalawang koponan na aakyat sa Level I sa susunod na edisyon.

Ang India at Kazakhs­tan ang mga nangulelat na koponan sa Level I.

Si PSC chairman Ricardo Garcia ay makiki­pagpulong sa Task Force members sa pangunguna nina Chief of Mission Jeff Tamayo at POC chairman Tom Carrasco Jr.  sa linggong ito para desisyunan ang golf at women’s basketball.

ANG INDIA

ANG THAILAND

ANG THAIS

ASIA CHAMPIONSHIP

BANGKOK YOUTH CENTER

CHIEF OF MISSION JEFF TAMAYO

HAYDEE ONG

LEVEL I

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with