Caguioa tiniyak ang pagkuha ng Gin Kings kay Slaughter

MANILA, Philippines - Kumakalat ang balita na kukunin ng Barangay Ginebra ang No. 4 pick ng Barako Bull sa 2013 PBA Rookie Draft sa pamamagitan ng trade deal na bahagi ng pagpapalakas ng Gin Kings para sa darating na PBA season.

Ngunit pinabulaanan ito ni Ginebra top gun Mark Caguioa sa kanyang Twitter account.

Binanggit din ni Ca­guioa na si 7-foot   Greg Slaughter ang hihirangin ng Ginebra bilang top overall pick sa annual draft na nakatakda bukas sa Robinson’s Place Ermita.

“Let me ask u. Would u drive to the basket if u see a 7’0 in front of u? Hell noh. Hehe,” sabi ni Caguioa sa pagsuporta sa pagpili nila kay Slaughter.

Sinabihan ng isang Twitter follower na hindi naman nakakatalon si Slaughter, sumagot si Caguioa na: “Cge tanungin rin kita kung 7’0 ka ba, tatalon ka rin ba?”

Sina Slaughter, Ian San­galang at Raymond Almazan ang inaasahang magiging top three picks ng Ginebra, San Mig Coffee at Rain or Shine, ayon sa pagkakasunod.

Ang fourth pick ay ma­­dedetermina kung aaprubahan ni PBA commissioner Chito Salud ang trade plans ng Barako Bull.

Nauna nang inihayag ng Barako Bull management na ibibigay nila ang kanilang mga Nos. 4, 5 at 6 picks sa Ginebra, Petron Blaze at Globalport, ayon sa pagkakasunod, sa pamamagitan ng trade.

Sinabi ni Caguioa na isa na itong done deal.

“And abut the 4th pick I really dot know who wer going to get,” wika niya sa Twitter.

Ang Ginebra ay nasa isang rebuilding process ngayon matapos hugutin si center JayR Reyes kapalit ni Kerby Raymundo kasunod ang pagkuha kay sophomore guard Emman Monfort para kay third-string playmaker Rob Labagala.

“The management is doing whatever it takes for all the millions and millions of fans of Ginebra to win a championship,” ani Caguioa.

Show comments