Carlos sinibak si Alcala, papalo sa PBaRS finals

MANILA, Philippines - Hindi sinayang ni Bian-ca  Carlos ang pagkaka­taon na bawian si Malvinne Ann Venice Alcala para lumapit sa isang hakbang para sa matagumpay na pagdepensa sa women’s U-19 sa MVP Sports Foundation-Philippine Bad­minton Ranking System (PBaRS) tournament kahapon sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Inilabas ni Carlos ang lahat ng nalalaman para kunin ang 21-15, 21-20, panalo kay Alcala na naunang nangibabaw sa katunggali noong nagkatapat sa MVPSF-PBaRS Bacolod at Manila legs,

Naisantabi naman ng second seed na si Patrisha Malibiran  ang hamong hatid ni fourth seed Janelle de Vera sa pamamagitan ng 13-21, 21-11, 25-23, para angkinin ang karapatang labanan si Carlos ng mga manlalaro mula Golden Shuttle Foundation (GSF).

Hindi naman natulad sa kanyang kapatid si sixth seed Mark Shelley Alcala na pinataob si third seed Glenn  Remo, 21-15, 21-15, at sunod na haharapin sa boys’ U-19 finals si Cla-rence Filart, nanaig kay fourth seed Joshua Monterubio.

Show comments