MANILA, Philippines - Itatampok sa ikalawang season ng volleyball club league na Philippine SuperLiga ang bagong miÂyembrong Air Asia-Zest.
Magbabalik naman ang limang koponan, kasama ang PSL Invitationals champion TMS-Army, para sa PSL Grand Prix 2013 sa Nobyembre 10 sa The Arena sa San Juan.
Maliban sa TMS-Army at Air Asia-Zest, maghahangad din sa korona ng event na magtatapos sa Disyembre 15 ang PLDT, Cignal, Petron at Cagayan Valley.
Hindi nagsali ng koponan ang Bingo Milyonaryo, naging bahagi ng unang season ng PSL.
Ang Grand Prix na may temang ‘Elevating the Game’ ay magtatampok sa mga A-list international players.
Ang mga international players ay nakapaglaro na sa mga FIVB (International Volleyball Federation) tournaments.
Ang mga players mula sa United States, China, Japan at Thailand ang magÂpapatibay sa anim na koponan, ngunit sinabi ng nag-oorganisang SportsCore at PSL President na si Ramon ‘Tats’ Suzara na nakikipag-usap pa sila sa ilan pang international players.
Ang mga koponan ay binubuo ng mga players na nakatapos na ng kanilang mga collegiate years, habang ang mga atletang naglaro sa National team at mga gustong maging miyembro ng National pool ay pinipili ng mga coach.
Itatampok din sa Grand Prix ang isang parallel tournament para sa male plaÂyers.