MANILA, Philippines - Pinagtibay ni Marlon Stockinger ang estado bilang isa sa mga papausbong sa Formula racing nang isumite niya ang pinakamabilis na tiyempo sa isang lap sa pang-hapong test race sa Formula Renault 3.5 Series collective testing sa Circuit de Barcelona-Catalunya kahapon.
Si Stockinger (Lotus) ay nakagawa ng pinakamabilis na1:30.218 upang makasama si Will Stevens (Strakka Racing) na siyang umani ng ganitong parangal sa pang-umagang test race.
“It was a pleasure to test with the championship-winning team yesterday even if we had a few problems to deal with,†wika ni Stockinger.
Agad na pinaharurot ni Stockinger ang kanyang sasakyan at kahit sinikap pa ng ibang katunggali na sina Zoel Amberg, Antonio Felix da Costa at Raffaele Marciello ay hindi sila umabot upang makontento sa sumunod na ikatlong puwesto matapos ang 50-minutong karera.
Binigyan ng pagpupugay naman ni Oliver Rowland si Stockinger sa ipinakita.
“Stockinger was a little bit too quick for us,†wika ni Rowland ng Fortec Motorsports na tumapos sa unang sampung pinakamabilis sa dalawang karera.
Si Stockinger ay isa sa limang baguhang drivers na nasali sa testing ranks at ang nagawa ay magpapalakas sa hangaring masama sa premyadong dibisyon sa car racing.