MANILA, Philippines - Nalalagay sa alanganin ang pagtapik kay wrestler Jason Balabal bilang Flag bearer ng Pilipinas sa opening ceremonies sa Myanmar SEA Games sa Disyembre 11.
Ang wrestling ay isa sa maagang event na lalaruin bago pa ang pagbubukas ng kompetisyon at itinakda mula Disyembre 9 hanggang 13.
Nagkakaproblema ngayÂon dahil ang contact sport ay gagawin sa NatioÂnal Indoor Stadium sa Yangon at limang oras ang land travel nito para makarating sa Nay Pyi Taw na siyang main venue ng SEAG at pagdarausan ng opening ceremonies.
“Malayo ang Yangon at Nay Pyi Taw at ito ang nagiging problema. Ang wrestling ay sisimulan sa Dec. 9 at ang unang dalawang araw ay para sa Greco Roman. Mag-break at Dec. 11 at kinabukasan ay sisimulan ang Freestyle,†wika ni Chief of Mission at 2nd VP Jeff Tamayo matapos makipagpulong kasama ni POC chairman Tom Carrasco Jr. kay PSC chairman Ricardo Garcia.
Si Balabal na isang gold medalist sa 2011 SEA Games ay kasali sa dalawang events ng wrestling.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang pamunuan ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) sa pangunguna ng pangulong si Albert Balde, sa wrestling federation ng Myanmar at tinitingnan nila kung maaÂaring pakiusapan na sa Dec. 13 na maglaro si Balabal.
“Makikipag-usap si Albert sa Myanmar kung puÂwedeng baguhin ang scheÂdule ng laro ni Jason dahil gusto talaga niyang maging flag-bearer at medÂyo na-disappoint siya sa pangyayari,†dagdag ni Tamayo matapos makiÂpagpulong kasama si POC chairman Tom Carrasco Jr. at Garcia.
Sakaling hindi mareÂmedÂyuhan ang problema, binanggit ni Tamayo si pool wizard Dennis Orcollo na siyang ipapalit bilang Flag bearer.
Naunang binalak ni Tamayo na pagsuutin ng bahag si Balabal para lubusang maipakita ang kultura ng Pilipinas sa seremonya.
Ang Nay Pyi Taw ang main venue ng palaro pero may tatlong satellite venues pa na gagamitin sa event. Bukod sa Yangon, na pagdarausan ng pitong sports disciplines, gagamitin din ang Mandalay at Ngwe Saung para sa football at sailing. (ATAN)