^

PSN Palaro

No. 3 ang Baste

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginamitan ng San Sebastian ng 11-0 run ang Perpetual Help para kunin ang 81-71 panalo sa 89th NCAA men’s basketball playoff kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May limang puntos si CJ Perez sa run na ito para tabunan ng Stags ang 71-70 bentahe ng Altas sa huling dalawang minuto mula sa 3-pointer si Harold Arboleda.

Si Perez ay tumapos taglay ang 20 puntos pero naroroon ang suporta nina Bradwyn Guinto, Jovit Dela Cruz, Jamil  Ortuoste at Gio Vergara na gumawa ng 15, 14, 11 at 10 puntos.

“This is the start of the Final  Four for us and we just want to win as many games as we can,” ani  Stags coach Topex Ro­binson.

Ang panalo ay ikatlong sunod sa Altas at pa­ngatlong dikit sa liga para angkinin din ang ikatlong puwesto sa standings.

Makakalaban nila ang  number two Letran sa Final Four na magsisimula sa Nobyembre 7.

May 21 puntos si Nosa Omorogbe habang 14 at 13 ang ibinigay nina Justin Alano at Earl Thompson para sa Altas na lumasap ng ikalimang diretsong pagkatalo.

Ang bataan ni coach Aric del Rosario ang makakatunggali ng nangunguna at three-time defending champion Bedans  na tulad ng Letran ay may twice-to-beat advantage. (AT)

San Sebastian  81--Perez 20, Guinto 15, Dela Cruz 14, Ortuoste 11, Vergara 10, De Vera 4, Aquino 3, Balucanag 2, Tano 2, Rebollos 0, Gusi 0.

Perpetual 71--Omorogbe 21, Alano 14, Thompson 13, Jolangcob 8, Oliveria 4, Ylagan 4, Arboleda 3, Elopre 2, Baloria 2, Dizon 0, Lucente 0.

Quarterscores: 14-14, 36-32, 55-46, 81-71.

 

ALTAS

BRADWYN GUINTO

DE VERA

DELA CRUZ

EARL THOMPSON

FINAL FOUR

GIO VERGARA

HAROLD ARBOLEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with