MIAMI--Nakatakdang isabit ng Miami Heat ang ikaÂlawang sunod nilang chamÂpionship banner at ikatlo sa kabuuan kasunod ang pagbubukas para sa kanilang regular season laban sa Chicago Bulls.
“We don’t like them and they don’t like us,’’ ani LeÂBron James sa Bulls.
Naging pisikal ang East semifinal series sa pagitan ng dalawang koponan kung saan nanood lamang si DerÂrick Rose sa bench dahil sa knee injury.
“I’m looking forward to it, but I’m going to take it as any other game,’’ wika ni Rose. “I t’s the first game. It’s the next game. And we’re just trying to sharpen things up, play the same way but just get our chemistry a little bit better.’’ Inulan ng kritisismo si Rose ng mga Bulls fans nang magdesisyong huwag maglaro noong nakaraang season.
Samantala, live na mapapanood ang pagbubukas ng 2013-2014 NBA season ngayong alas-8 ng umaga sa Studio 23.
Simula ng maging taÂhanan ng NBA sa free TV sa bansa ang ABS-CBN, mas marami ng Pinoy basketball fans ang nakakapanood sa mga pinakamahuhusay na basketbolista sa mundo.
Base sa datos ng Kantar Media, tumaas ang bilang ng mga Pilipino na naÂnoÂnood ng NBA sa free TV channels na ABS-CBN at Studio 23 mula 34.7 milyon noong 2012 hanggang sa 65 milyon ngayong 2013. Pumalo rin sa pinakamataas na national TV rating na 20.87% ang NBA sa bansa noong nakaraang finals.
Ipapalabas din sa Studio 23 ang 30-minute magazine show na “NBA Action†na magbibigay ng weekly highlight sa NBA simula sa Sabado, sa alas-11:30 a.m.