MANILA, Philippines - Kinuha ng nagdedepensang kampeon na sina Bianca Carlos at No. 2 Patrisha Malibiran ang ikalawang sunod na panalo sa girls’ U-19, habang namaÂyagpag din sina Clarence Filart at second seed Miguel LeoÂnardo sa kalalakihan sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System(PBaRS) tournament sa Powersmash sa Makati City kahapon.
Si Carlos ay nanaig kay Mary Ann Maranon, 21-10, 21-16, para pumasok sa quarterfinals laban kay Alyssas Geverjuan na pinagpahinga si Cassandra Lim, 16-21, 21-8, 21-13.
Sa straight sets na 21-12, 21-13, nanalo si Malibiran kay Janine Leligrino upang sunod na harapin si eight seed Marina Caculitan, isang 23-21, 18-21, 22-20 panalo kay Rae Concepcion.
Samantala, isang walkover win naman ang ipinoste ni Filart ng Golden Shuttle Foundation kay Glenn Camillo para umabante sa Final 8 sa boys’ division.
Hinarap at tinalo naman ni Leonardo si Edgard Reyes, 21-16, 21-23, 21-11, para umusad. Ang iba pang nasa quarterfinals ay sina Frell Gebuelo, Joshua Monterubio, Elijah Boac, Kevin Chan, Glenn Remo at Mark Alcala.
Ang laro ay lilipat sa Robinsons Place-Manila sa quarterfinals sa lahat ng dibisyon na kabibilanganan din ng mga kasapi ng National team.
Sa girls’ U-15 singles, nanalo si Kyle Geronimo ng MSI Jr.Team kay No. 8 Joyce Santos, 21-17, 11-21, 21-13, para harapin ang top seed na si Geverjuan na pinagpahinga si Maria Tumbali, 21-9, 21-8.
Si Shane Salvador ay nanaig kay No. 4 Jellene De Vera, 21-12, 21-12, para labanan ang No.7 na si Meghan Cruz na pinagpahinga si Ma. Lourdes Babanto, 21-14, 21-19.
Ang iba pang maglalaban ay sina Alyssa Roxas ng GSF laban kay No. 3 Rae Concepcion at second seed Mariya Sevilla kontra kay Mikaela De Guzman.