^

PSN Palaro

Carlos, Malibiran papalo sa quarters

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuha ng nagdedepensang kampeon na sina Bianca Carlos at No. 2 Patrisha Malibiran ang ikalawang sunod na panalo sa girls’ U-19, habang nama­yagpag din sina Clarence Filart at second seed Miguel Leo­nardo sa kalalakihan sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System(PBaRS) tournament sa Powersmash sa Makati City kahapon.

Si Carlos ay nanaig kay  Mary Ann Maranon, 21-10, 21-16, para pumasok sa quarterfinals laban kay Alyssas Geverjuan na pinagpahinga si Cassandra Lim, 16-21, 21-8, 21-13.

Sa straight sets na 21-12, 21-13, nanalo si Malibiran kay Janine Leligrino upang sunod na harapin si eight seed Marina Caculitan, isang 23-21, 18-21, 22-20 panalo kay Rae Concepcion.

Samantala, isang walkover win naman ang ipinoste ni Filart ng Golden Shuttle Foundation kay Glenn Camillo para umabante sa Final 8 sa boys’ division.

Hinarap at tinalo naman  ni Leonardo si Edgard Reyes, 21-16, 21-23, 21-11, para umusad. Ang iba pang nasa quarterfinals ay sina Frell Gebuelo, Joshua Monterubio, Elijah Boac, Kevin Chan, Glenn Remo at Mark Alcala.

Ang laro ay lilipat sa Robinsons Place-Manila sa quarterfinals sa lahat ng dibisyon na kabibilanganan din ng mga kasapi ng National team.

Sa girls’ U-15 singles, nanalo si Kyle Geronimo ng MSI Jr.Team kay No. 8 Joyce Santos, 21-17, 11-21, 21-13, para harapin ang top seed na si Geverjuan na pinagpahinga si Maria Tumbali, 21-9, 21-8.

Si Shane Salvador ay nanaig kay No. 4 Jellene De Vera, 21-12, 21-12, para labanan ang No.7 na si Meghan Cruz na pinagpahinga si Ma. Lourdes Babanto, 21-14, 21-19.

Ang iba pang maglalaban  ay sina Alyssa Roxas ng GSF laban kay No. 3 Rae Concepcion at second seed Mariya Sevilla kontra kay Mikaela De Guzman.

vuukle comment

ALYSSA ROXAS

ALYSSAS GEVERJUAN

BIANCA CARLOS

CASSANDRA LIM

CLARENCE FILART

EDGARD REYES

ELIJAH BOAC

KAY

RAE CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with