^

PSN Palaro

Perlas pinulbos ang Hong Kong

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilampaso  ng National women’s team ang Hong Kong, 87-57, sa pagbubukas ng kampanya sa FIBA Asia Women’s Championship Women kahapon sa Bangkok Youth Center sa Thailand.

Gumawa ng 22 puntos si Analyn Almazan habang pinagsamang 26 ang tinipa nina Merenciana Arayi at Bernandette Mercado upang bigyan ng 1-0 kalamangan ang tropa ni coach Haydee Ong sa Level II  ng kompetisyon.

Mula sa 23-19 dikitang iskor sa first period ay nagpakawala ang Discovery Perlas ng 28-14 palitan sa ikalawang yugto para iwanan ang Hong Kong, 51-33, sa first half.

May pitong rebounds pa si  Almazan  habang ang beteranang si Joan Grajales ay mayroong anim na assists upang makapagdomina ang bansa sa katunggali sa nasabing departamento, 25-16.

Hawak din ng Natio­nals ang 23-13 bentahe sa rebounding at sa pagtutulungan sa ilalim nina Almazan, Casey Tioseco at Chovi Borja ay dinurog ng koponan ang Hong Kong sa inside points, 34-10.

Sina Chu Hau Yee at Law Lai Yi ang nanguna sa natalong koponan sa tig-11 puntos.

Sunod na kalaban ng Nationals ang Uzbekis­tan ngayong tanghali at hanap pa ng koponan ang mapaganda ang takbo ng opensa dahil sa Oktubre 29 ay tiyak na mapapalaban sila sa pagharap sa host  Thailand.

Kailangang hindi matalo  ang koponan sa mga SEA countries na Thailand, Malaysia at Indonesia na nasa Level II para masama sa Myanmar SEA Games sa Disyembre.

Nakasalo agad sa maagang liderato ang Malaysia na pinataob ang Indonesia, 61-49, sa ikalawang laro. 

 

ALMAZAN

ANALYN ALMAZAN

ASIA WOMEN

BANGKOK YOUTH CENTER

BERNANDETTE MERCADO

CASEY TIOSECO

CHAMPIONSHIP WOMEN

HONG KONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with