MANILA, Philippines - Bubuksan ng nagdedepensang kampeon na Hope Christian High School ang kampanya sa NCR elimination ng Shakey’s Girls Volleyball League laban sa Miriam College ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.
Sa ganap na alas-3 ng hapon ang laban at pangalawa sa apat na laro ito sa ligang inorganisa ng Metro Sports kaÂtuwang ang Shakey’s.
Unang laro sa ganap na alas-2 ng haÂpon ay sa hanay ng National University at UST, habang ang iba pang magpapanagupa ay ang De La Salle Zobel at Kings Montessori dakong alas-4 at St. Scholastica’s College at Angelicum sa alas-5.
Ang Jubilee Christian High School at MGC New Life Christian Academy ay pahinga sa unang araw ng torneo.
Si Shakey’s President at CEO Vic GreÂgorio ang mangunguna sa mga bisita sa opening ceremonies sa ganap ng ala-1 ng hapon.
Walong regional champions ang aabante sa Tournament of Champions sa Enero 13 hanggang 17 sa NAS.
Makakasama ng mga local teams ang dalawang dayuhang koponan na mula Australia at New Zealand.
Ang mga nakakuha na ng puwesto sa T-of-C ay ang University of San Jose Recolletos, Central University Philippines, Leyte National High School at Angeles University Foundation.
Ang mga nagtataguyod sa palaro ay ang Mikasa, Asics, Tune Hotel, Burlington, Bio Fresh, at Science Magazine.