^

PSN Palaro

9 Cagayan boxers susuntok sa gold sa PLDT-ABAP slugfest

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay pa ng host Cagayan De Oro ang paghahabol para maging pinakamahusay na de­legasyon sa idinadaos na 2013 PLDT-ABAP Min­danao Boxing Tournament sa Tourism Hall sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos magpasok ng siyam na finalists ang dalawang koponan nang manalo sa semifinals ng iba’t-ibang weight classes.

Nanguna si Jeronel Borres sa mga nagpasiklab nang talunin si Gedeon America sa pamamagitan ng unanimous decision sa Youth Boys pinweight.

Naglalaro si Borres sa CDO-A at ang iba pang umabante sa nasabing delegas­yon ay sina Carlo Paalam (Junior Boys Pinweight), Isagani Llaban (Youth Boys light flyweight), Markwil Salvana (Youth Boys lightweight), Shena Mae Jacinto (Junior Girls light flyweight) at  Judelyn Casin (Junior Girls flyweight).

Tatlo naman sa CDO-B ang umusad at ito ay sina Mark Lumbad (Junior Boys light flyweight), Lorenz Labrada (Junior Boys light bantamweight) at Sugar Ray Ocana (Junior Boys bantamweight).

Palaban din ang PACMAN ng Saranggani Pro­vince nang nagpasok ng apat na boksingero na sina Renemark Cuart (Youth Boys pinweight), Bonie Lamberte (Junior Boys flyweight), Lanie Mingullian (Junior Girls pinweight) at Joan Sumilhig (Junior Girls flyweight).

Ang local team na Mindy’s ay may tatlo ring boksingero sa Finals habang nagpasok naman ng tig-isa ang delegasyon ng Gingoog City, Valencia City, Manolo Fortich from Bukidnon, Villanueva at Balingasag mula sa Misamis Oriental, Ge­neral Santos City, Aglayan ng Bukidnon, Camiguin, Lutayan ng  Sultan Kudarat at MP Boxing Association.

Ang mga mananalo sa kompetisyong inorganisa ng ABAP at suportado ng PLDT at Philippine Sports Commission ay makaka­sali sa National Finals na katatampukan din ng mga mahuhusay na boksingero mula Luzon at Visayas.

BONIE LAMBERTE

BOXING ASSOCIATION

BOXING TOURNAMENT

BOYS

BUKIDNON

JUNIOR

JUNIOR BOYS

JUNIOR GIRLS

YOUTH BOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with