MANILA, Philippines - Iginawad sa Laguna ang pagiging-punong abala sa 2014 Palarong Pambansa makaraang makumbinsi ang game’s executive committee sa kanilang kakayahang maidaos ang annual multisports competition para sa mga estudyanteng atleta.
“Laguna will host next year’s Palarong Pambansa,†wika ni Department of Education Assistant Secretary for Legal and Legislative Affairs Tonisito Umali kahapon.
Ibinigay ang hosting sa probinsiya sa meeting ng mga opisyal nitong Huwebes mula sa DepEd at Philippine Sports Commission, sa pamumuno ni Education Secretary Armin Luistro at Umali kasama si PSC commissioner Jolly Gomez. Naroroon din si Laguna Gov. ER Ejercito kasama si Laguna Provincial Sports head Albert Abarquez at representatives Mayor Del de Guzman ng Marikina na nag-bid din sa hosting ng Palaro.
Ayon kay Gomez, ang Marikina ay host din ng 6th ASEAN Schools Games sa December ng 2014.
Nakuha ng Laguna ang hosting dahil sa kanilang modern sports facilities tulad ng Laguna Recreational, Education, Cultural and Sports Stadium.