‘Poca’ mahigpit na paborito sa MVPSF-PBaRS
MANILA, Philippines - Tatayong paborito si Malvinne Ann “Poca†Alcala sa women’s Open at girls’ Under-19 singles sa paghataw ng eighth leg ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament ngayon sa Powersmash sa Makati City.
Hindi nakapaglaro si Alcala, ang dating SingaÂpore at Australia junior champion, sa nakaraang event na nag-aalok ng cash prizes at ranking points.
Kaagad na makakatapat ng national team mainstay, iginiya ang Team Phl sa isang 12-gold medal haul sa 21st Annual Junior International Championships--Wes Schoppe Memorial in Manhattan Beach, California, USA noong Agosto, si Glyvette Etis ng La Salle sa girls’ U-19.
Nakakuha naman ng bye sina top seed defenÂding champion Bianca Carlos at No. 2 Patricia Malibiran ng Golden Shuttle Foundation sa opening round sa 64-player field sa U-19 class sa torneong may basbas ng Philippine Badminton Association sa ilalim ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.
Si Carlos ang defen-ding champion sa women’s Open singles.
Mahigit sa 500 players at 864 entries ang maglaÂlaban-laban sa anim na araw na event na suportado rin ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, PBA at official equipment sponsor Victor, eksklusibong ipiÂnamamahagi sa bansa ng PCOME Industrial Sales, Inc.
Ang unang tatlong araw ay idaraos sa PowerÂsmash habang ang quarterfinals, semifinals at finals ay lalaruin sa Robinsons Place sa Oct. 29-31, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.
Ang iba pang sumuÂsuporta sa naturang event ay ang Gatorade, Vineza, Sincere Construction at Krav Maga Philippines at ang mga media partners ay ang TV 5, The Philippine Star at Badminton Extreme Philippines Magazine.
- Latest