Tiket sa Pacquiao-Rios fight 80% na ang naibenta
MANILA, Philippines - Nasa 80 percent na ang naibentang tiket sa laban nina Manny Pacquiao at Brandon Rios sa Nobyembre 23 sa Cotai Arena Venetian Resorts, Macau, China.
Nasa bansa si Ed Tracy, CEO ng Venetian Resorts at siya ang naghatid ng magandang balita na ito.
Ang mga tiket na nalalabi ay ang mga mamahalin at nangangahulugan ito na tiyak na mapupuno ng mahihilig sa boxing ang laban na handog ng Top Rank Promotions.
Ang mga mamahaling tiket ay para sa mga dayuhan na gustong maglibang muna habang namamahinga matapos magsugal.
Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Pacquiao sa Macau at suportado niya ang desisyon dahil sa pagtaas ng buwis na sinisingil sa America partikular ang Las Vegas.
Nais ni fighting Congressman mula sa Sarangani na makabawi matapos ang dalawang sunod na pagkatalong nalasap mula kina Timothy Bradley at Juan Manuel Marquez noong nakaraang taon.
Sa tantiya ni Tracy mauubos ang lahat ng tiket sa linggo ng laban.
- Latest