Ka-ispar ni Pacman ‘di na nakakasabay, Roach kukuha uli ng bago
MANILA, Philippines - Dalawa pang sparring partners ang planong kunin ni chief trainer Freddie Roach para sa training camp ni Manny Pacquiao sa General Santos City.
Sinabi ni Roach na hindi na tumatagal sina British light middleweight Liam Vaughn, welterweight FreÂderick Lawson ng Ghana at Filipino welterweight Dan Nazareno sa pakikipagsabayan kay Pacquiao sa sparring session.
“One was wobbling all over the place and the other one got a good shot and couldn’t move so I have two new sparring partners coming in,†wika ni Roach.
Nasa maigting na preparasyon na si Pacquiao para sa kanilang upakan ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Macau, China.
Pag-aagawan nina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) ang World Boxing Organization International welterweight belt.
Inamin ni Roach na kailangan ni Pacquiao na maÂkabangon mula sa kanyang dalawang sunod na kabiguan kina Timothy Bradley, Jr. (split decision) at Juan Manuel Marquez (sixth-round KO) noong HunÂyo 9 at Disyembre 8, 2012, ayon sa pagkakasunod.
“It’s a big fight for me and Manny. We are in a must-win situation. He’s very hungry to get back in the ring. He knows he doesn’t want to go there recklessly,†ani Roach kay Pacquiao.
Sa Nobyembre 18 ay nakatakdang magtungo sina Pacquiao at Roach sa Macau.
Sinabi naman ni Rios at ni chief trainer Robert Garcia na mas mauuna silang bumiyahe sa Macau para maging pamilyar sa klima at kapaligiran at makakuha ng suporta mula sa mga boxing fans.
- Latest