Tagaytay nakipag-draw sa Wuxi, lider pa rin TAGAYTAY

TAGAYTAY , Philippines  --Nakipag-draw ang Tagaytay sa Wuxi, China, 2-2, at nanatili sa ibabaw sa sixth round ng 2013 Asian Cities Chess Team Championship dito.

Nauwi sa tabla ang mga laro nina Grandmasters, Oliver Barbosa, Mark Paragua, John Paul Gomez at Darwin Laylo laban sa 3rd-ranked na Wuxi, China.

May 11 points ngayon ang Tagaytay.

Pinayukod ng No.2 Shanghai, China ang No.7  Pasay-Philippine Air Force, 2.5-1.5, habang binigo ng No.5 Ulaanbaatar, Mongolia ang No. 8 Baghdad, Iraq, 2.5-1.5,  para magtabla sa second place kasama ang Wuxi mula sa magkakatulad nilang tig-9 points.

Iginupo naman ng No. 4 Manila-PSC ang No.16 Singapore, 4-0.

Sa ginagamit na 9 Round Swiss-system, dalawang puntos ang ibinibigay para sa panalo, habang isa para sa draw.

Ang koponang magkakampeon ay tatanggap ng $3,000 kasunod ang $2,000 at $1,000 para sa se­segunda at tetersera, ayon sa pagkakasunod.

Show comments