Hindi maikakailang desperado si Manny Pacquiao.
Galing si Pacquiao sa dalawang magkasunod na talo. Kauna-unahan sa kanyang professional career (54-5-2, 38 KOs). Kinakailangan ni Manny na manalo, at hindi lamang manalo, kundi impresibo dapat ang kanyang tagumpay laban kay Brandon Rios sa kanilang laban sa Nobyembre 24 sa Macau.
Kung tutuusin, hindi lamang ang madlang people ang kinakailangang kumbinsihin ni Pacquiao na siya ay maaaring maisama pa sa mga elite boxers ng mundo. Kinakailangang mapa-impress din ni Pacquiao pati na ang mga advertiser at money handlers sa boxing.
Minalas na ‘di nanalo sa split decision ang 34 anyos na si Pacquiao kay Timothy Bradley noong Hunyo 20Â12, pero sa knockout loss kay Juan Manuel Marquez, taÂnging ang sarili ang dapat na sisihin ni Pacquaio.
Nakasalalay ang rematch kay Bradley o ang ikaÂliÂmang pakikipagtuos kay Marquez (kung hindi pa kayo nagÂsasawa) sa laban sa Nobyembre kay Rios (31-1-1, 23 KOs).
Inaasahan na natin na halos naka-move on na si Pacquiao sa kanyang mga pagkatalo bago ang fight night sa Nobyembre 23.
Aminin man at hindi ni Pacquiao, kahit pa ano ang mga naging accomplishment niya sa boksing ang kanyang legacy na tinatawag ay tinamaan ng matindi. Sa kanyang mga panayam, halata na hindi na ganoon kakumpiyansa si Paccquiao, at maging ang ingay na dati ay dumadagundong sa tuwing sasabak siya sa ring ay humina na rin.
Maging ang lugar na pagdarausan ng laban ay isang bagay na nagsasabing bumagsak na ang ca-reer ni Pacquiao. Ito ang unang laban ni Pacquiao, simula noong 2006, sa labas ng Estados Unidos. Ibig sabihin, hindi gaanong sigurado ang promoter kung dudumugin ang laban.
Maging ang usapin tungkol sa posibleng laban nila ni Floyd Mayweather ay nawala na rin. At taÂnging ang kampo lamang ni Pacquiao ang nag-iingay tungkol dito.
Hindi lamang panalo ang kailangan ni Pacquiao, kung hindi isang impresibong panalo na mag-aakyat muli sa kanyang nangungulimlim na career.
At kung mamalasin muli at matatalo, ibig sabihin lamang ay kinakailangang isabit na ni Pacquiao ang kanyang mga gloves.