CAGAYAN de Oro City, Philippines - – Nagbukas na ang PLDT-ABAP Mindanao Area Tournament noong Lunes sa Tourism Hall tampok ang 86 boxers mula sa 14 koponan.
Hinikayat ni ABAP vice chairman at CDO City MaÂyor Oscar S. Moreno ang mga boksingero na gawin ang lahat ng makakaya para maka-ambag sa adhikain nina ABAP chairman Manny V. Pangilinan at president Ricky Vargas na makuha ang unang Olympic gold medal ng bansa.
Tinalo ni Lorenz Labrada ng CDO-B sa light flyÂÂweight match si Reny Oblad ng Baungon, Bukidnon sa juniors Category (15-16) years old, habang binigo ni Jaybe Canedo ng Camiguin si Ramil Masado ng Lutayan, Sultan Kudarat sa pinweight class ng Youth Boys category (17-18 years old) at pinayukod ni Jeronel Borres ng CDO-A si Ressen Pronco ng Aglayan, Bukidnon (youth, pinweight).
Umiskor naman ng paÂnalo si Lutayan bet ReyÂmark Ibones (Youth, flyweight) laban kay Pacman Team pride Edgardo Cartagena at iginupo ni Marvin Tabamo ng CDO-A si Gilbert Rey Jerosalem ng Camiguin.
Sa Youth Lightweight class, nangibabaw si John Bryan Noces ng Calinan, Davao kontra kay Xavier Piastro ng Mendez, habang tinalo ni Valentine Linio ng Lutayan si Jonal Tamial ng Pacman.