^

PSN Palaro

CDO boxers nagparamdam agad sa PLDT-ABAP Mindanao boxingfest

Pilipino Star Ngayon

CAGAYAN de Oro City, Philippines - – Nagbukas na ang PLDT-ABAP Mindanao Area Tournament noong Lunes sa Tourism Hall tampok ang 86 boxers mula sa 14 koponan.

Hinikayat ni ABAP vice chairman at CDO City Ma­yor Oscar S. Moreno ang mga boksingero na gawin ang lahat ng makakaya para maka-ambag sa adhikain nina ABAP chairman Manny V. Pangilinan at president Ricky Vargas na makuha ang unang Olympic gold medal ng bansa.

Tinalo ni Lorenz Labrada ng CDO-B sa light fly­­weight match si Reny Oblad ng Baungon, Bukidnon sa juniors Category (15-16) years old, habang binigo ni  Jaybe Canedo ng Camiguin si Ramil Masado ng Lutayan, Sultan Kudarat sa pinweight class ng Youth Boys category (17-18 years old) at pinayukod ni Jeronel Borres ng CDO-A si Ressen Pronco ng Aglayan, Bukidnon (youth, pinweight).

Umiskor naman ng pa­nalo si Lutayan bet Rey­mark Ibones (Youth, flyweight) laban kay Pacman Team pride Edgardo Cartagena at iginupo ni Marvin Tabamo ng CDO-A si Gilbert Rey Jerosalem ng Camiguin.

Sa Youth Lightweight class, nangibabaw si John Bryan Noces ng Calinan, Davao kontra kay Xavier Piastro ng Mendez, habang tinalo ni Valentine Linio ng Lutayan si Jonal Tamial ng Pacman.

BUKIDNON

CAMIGUIN

CITY MA

EDGARDO CARTAGENA

GILBERT REY JEROSALEM

JAYBE CANEDO

JERONEL BORRES

JOHN BRYAN NOCES

JONAL TAMIAL

LUTAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with