Pacquiao bodega ni Rios ang uupakan

MANILA, Philippines - Kung may parte ng katawan ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios na dapat tutukan ni Manny Pacquiao, ito ay ang bodega ng Mexican-American boxer.

Sinabi ni British light mid­dleweight Liam Vaughn,  isa sa tatlong spar­ring partners ni Pacquiao, na maaaring mahina ang tiyan ni Rios na magiging dahilan ng ka­biguan nito.

“He’s good, the best he’s been,” wika ni Vaughn, nakatikim kay Pacquiao ng mga body shots na ikinapilipit nito matapos ang kanilang sparring session noong Martes, sa pana­yam ng ABS-CBN News. “I told him the body shots would knock Rios out.”

Bukod kay Vaughn, ang dalawa pang ka-spar ni Pacquiao sa kanyang Pacman Wild Card Gym sa General Santos City ay sina welterweight Frede­rick Lawson ng Ghana at Filipino welterweight Dan Nazareno.

“He worked the mitts quite a bit, the timing is coming, and the stamina is really good today,” sabi ni chief trainer Freddie Roach sa Filipino world eight-division champion.

Lalabanan ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) si Rios (31-1-1, 23 KOs) para sa WBO International welterweight belt sa Nobyembre 24 sa The Venetian sa Ma­cau, China.

Samantala, inihayag ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA) na sumailalim na sina Pacquiao at Rios sa random drug tes­ting, ayon kay VADA founder Margaret Goodman.

Ito ay taliwas sa aku-sas­yon ni Alex Ariza, ang strength and conditioning coach ngayon ni Ariza, na hindi pa dumadaan si Pacquiao sa VADA random drug testing.

Ito ang unang pagkaka-taon na sumailalim si Pacquiao sa isang random drug testing protocol.

Show comments