TAGAYTAY, Philippines ---Binokya ng Tagaytay-Phl ang eight seed Baghdad, Iraq, 4-0, upang iangat ang nanguÂngunang karta sa 10 puntos matapos ang limang round ng 2013 Asian Cities Chess Team Championship na kilala rin bilang Dubai Cup sa Tagaytay International Convention Center kahapon dito.
Sina GM Oliver Barbosa, GM Mark Paragua, GM John Paul Gomez at GM Darwin Laylo ay nanalo kina CM Zozek Salih Mohammed, FM Akar Ali Salih, FM Ali Layth Ahmed at CM Namir Mohammend Ismael para sa dominanteng panalo.
Ang top seed na TagayÂtay ay nanalo mula sa 2nd seed Shanghai, China, 2.5-1.5, sa fourth round noong Martes.
Sa iba pang resulta, nanalo ang third seed Wuxi, China sa 4th seed PSC-Manila, 3-1, upang umakyat sa solo pangalawang puwesto bitbit ang walong puntos
Kapos ng isang puntos para makatabla sa Wuxi ang Shanghai at Ulaanbaatar, Mongolia tangan ang tig-pitong puntos.
Samantala, nakabawi naman ang Philippine Air Force chess team sa 0-4 pagkatalo sa Baghdad sa 4-0 panalo sa Colombo, Sri Lanka.
Sina IM Barlo Nadera, NM Onofre Espiritu, Ronald Llavanes at Raymond Salcedo ang nagtulung-tulong sa panalo.
Magpapatuloy ang akÂÂsyon sa sixth round at magtutuos ang Tagaytay at Wuxi, China at Shanghai-PAF.