MANILA, Philippines - Nakalayo agad ang nagÂdedepensang overall champion La Salle matapos makumpleto ang akÂsyon sa first semester sa 76th UAAP season.
Nakakubra na ang Archers ng 162 puntos para agwatan ang UST ng 16 puntos (146) para sa pangaÂlawang puwesto.
Tampok na panalo ng La Salle ay noong talunin nila ang Tigers sa deciding Game Three para sa men’s basketball title.
Nakatulong din ang pagÂkapanalo ng Lady Archers sa women’s basketÂball kontra sa National University para palakasin ang laban sa back-to-back overall crown.
Ang iba pang napaghaÂrian na ng La Salle ay sa table tennis at taekwondo sa kalalakihan at women’s judo. Pumangalawa ang delegasyon sa women’s badminton at table tennis bukod sa men’s swimming habang pumangatlo ang paaralan sa women’s taekwondo at swimming at men’s judo.
Sumandal ang UST sa women’s taekwondo at poomsae habang pumaÂngalawa sa men’s at woÂmen’s beach volley at men’s taekwondo.
Pumangatlo ang Tigers sa women’s basketball at table tennis at men’s badÂminton.
Pumapangatlo ang UP sa 133 puntos habang ang iba ang placings ng ibang kasaling koponan ay Ateneo (125), FEU (78), National University (74), UE (68) at ang host Adamson (51).
Ang Eagles ay nanaig sa men’s at women’s badminton at men’s judo; ang Bulldogs ay hari sa men’s beach volley at ang LadyFalcons ang nagdomina sa beach volleyball.
Binibigyan ng puntos ang bawat pagtatapos na naitatala ng mga kalahok na paaralan at ang unang puwesto ay mayroong 15 puntos. Ang pangalawa ay may 12 ang pumangatlo ay may 10 habang 8,6,4,2 at 1 ang nakamit ng pumang-apat hanggang pumang-walong puwesto.