Matapos maupo sa trono bilang Most Valuable Player ay siya namang sadsad ng laro ni Arwind Santos ng Petron Blaze sa 2013 PBA Governors’ Cup Finals.
Dehado ngayon ang Petron, 2-3, sa best-of-seven championship series.
Isa pang talo ay kampeon na ang kalabang San Mig Coffee.
Sa unang laro lang ng serye ay nagpakita si Santos ng kagalingan. Kumubra siya ng 16 points at three rebounds at nanalo ang Petron.
Sa Game 2 ay nakalimutan yata niya na nasa PBA Finals siya. Nagtala lang siya ng apat na puntos at isang rebound sa 27 minuto sa loob ng court.
Nanalo ang San Mig.
Kinuha ng Petron ang Game 3 pero medyo maÂlamya pa din si Santos sa kanyang 10 points at 3 reÂbounds.
Bago nagsimula ang Game 4 ay nakopo niya ang una niyang MVP award sa PBA.
Napaluhod si Arwind sa harap ng mga fans at halos mabitawan na ang kanyang mga trophies.
Natural, napasama siÂya sa Mythical Five at Best Defensive team.
Natural din, maganda dapat ang kanyang ilalaÂro. Kumbaga, ganado.
Pero kabaligtaran ang nangyari. Sa 28 minutes sa loob ay otso puntos lang si Santos.
Nagmintis siya at nagkaroon ng turnover sa pagtatapos ng laro.
Tumabla ang San Mig.
At sa Game 5 nu’ng Linggo ay dalawang puntos lang ang naitala ni Santos.
Madami ang nagtaka at nadismaya.
Siya mismo, sa loob ng Petron dugout matapos ang laro ay napaiyak.
“Tao lang tayo,†ang wika ni Santos.
Sana naman ay maÂkaÂbawi siya para makatulong sa Petron na itabla pa ang serye.
Sapagkat tayo ay tao lamang.