8th leg ng PBaRS magsisimula sa Oktubre 26

MANILA, Philippines - Hahataw ang eighth leg ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Oktubre 26 na tatampukan ng mga mahuhusay na players na ma­papanood sa Power­smash at Robinsons Place Ma­nila.

Ang six-day event ay may nakalatag na cash pri­zes bukod pa sa ranking points.

Ito ay ang tanging ran­king tournament na may basbas ng Philippine Bad­minton Association sa ilalim ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. Pa­ngilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.

Dinomina nina defen­ding Open singles champions Toby Gadi at Bianca Carlos ng Golden Shuttle Foundation ang seventh leg ng annual event sa Pam­panga noong Marso.

Sina Gadi at Carlos ang muling babandera sa pre­mier division.

Ang unang tatlong araw ng labanan ay gagawin sa Powersmash, habang ang quarterfinals, semifinals at finals ay lalaruin sa Ro­binsons Place sa Oktubre 29 at 31, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.

Para sa detalye ay ma­­a­aring magtungo sa PBaRS office sa 20 E. Mac­lang cor. P. Guevarra Sts. sa San Juan City o tu­mawag sa 7252568 at 7828202.

Show comments