8th leg ng PBaRS magsisimula sa Oktubre 26
MANILA, Philippines - Hahataw ang eighth leg ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Oktubre 26 na tatampukan ng mga mahuhusay na players na maÂpapanood sa PowerÂsmash at Robinsons Place MaÂnila.
Ang six-day event ay may nakalatag na cash priÂzes bukod pa sa ranking points.
Ito ay ang tanging ranÂking tournament na may basbas ng Philippine BadÂminton Association sa ilalim ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. PaÂngilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.
Dinomina nina defenÂding Open singles champions Toby Gadi at Bianca Carlos ng Golden Shuttle Foundation ang seventh leg ng annual event sa PamÂpanga noong Marso.
Sina Gadi at Carlos ang muling babandera sa preÂmier division.
Ang unang tatlong araw ng labanan ay gagawin sa Powersmash, habang ang quarterfinals, semifinals at finals ay lalaruin sa RoÂbinsons Place sa Oktubre 29 at 31, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.
Para sa detalye ay maÂÂaÂaring magtungo sa PBaRS office sa 20 E. MacÂlang cor. P. Guevarra Sts. sa San Juan City o tuÂmawag sa 7252568 at 7828202.
- Latest