^

PSN Palaro

Thunder ipinagpag ang Jazz

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY--Nagrehistro si Reggie Jackson ng 18 points at 6 assists para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 88-82 paggupo sa Utah Jazz sa preseason game.

Nagdagdag si Serge Ibaka ng 17 points at may 14 si Thabo Sefolosha para sa Thunder, kinuha ang 23-14 abante sa first quarter.

May  5 points naman si Kevin Durant buhat sa kanyang 2-for-10 shooting.

Muling naglaro ang Oklahoma City (4-1) na wala si center Kendrick Perkins, nagbabalik mula sa isang dislocated ring finger.

Pinangunahan ni Gordon Hayward ang Jazz (1-4) ga­ling sa kanyang 18 points kasunod ang 15 ni Enes Kanter na may 7 rebounds.

Sa Atlanta, nagsalpak si Jerryd Bayless ng anim na 3-pointers para magtala ng 22 points, habang nagdagdag ng 10 markers si Marc Gasol upang igiya ang Memphis Grizzlies sa 90-82 tagumpay laban sa Atlanta Hawks sa kanilang ikaapat na sunod na exhibition win.

Umiskor si Bayless ng 6-for-6 sa 3-point line kung saan ang lima dito ay kanyang naikonekta sa first half.

Pumitas naman si Ed Davis ng 14 points at 7 rebounds para sa Memphis (4-2).

Humugot si Paul Millsap ng siyam sa 14 points ng Hawks sa first quarter at tumapos na may 19 points at 8 rebounds bago inilabas dahil sa pananakit ng kanyang left Achilles sa third quarter.

Sa Orlando, Florida, miskor si E’Twaun Moore ng 14 points sa loob ng 30 minuto at tinalo ng Orlando Magic ang Detroit Pistons, 87-86, sa preseason game noong Linggo ng gabi.

Sa iba pang Preseason game, nanalo ang Memphis sa Atlanta, 90-82; Orlando sa Detroit, 87-86; Minnessota sa Boston 104-89; Portland sa Sacramento, 109-105.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

DETROIT PISTONS

ED DAVIS

ENES KANTER

GORDON HAYWARD

JERRYD BAYLESS

KENDRICK PERKINS

KEVIN DURANT

MARC GASOL

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with