MANILA, Philippines - Hindi na bago para kay coach Nestor Pamilar ang huÂmawak ng champion team.
Ang 47-anyos na si PaÂmilar ay isang winner sa laÂrangan ng volleyball dahil noong manlalaro siya ay kabilang siya sa koponan ng FEU na nanalo sa UAAP habang siya ang coach noong nagkampeon ang Letran sa NCAA.
“Noong nanalo ang FEU sa UAAP noong 1986, 37-years na ang nagdaan noong huling nakatikim ng title ang Tamaraws. Noong nanalo naman ang Letran sa NCAA women’s volleyball noong 1997, tinapos nila ang 12-year drought,†tila pagmamalaki ni Pamilar.
Nadagdagan ang kiÂnang niya sa team sport na ito nang maihatid ang Cagayan Province sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference nang walisin ang best-of-three Finals nila ng Smart-Maynilad.
Ito ang unang titulo ng Lady Rising Suns sa dalawang sunod na pagtapak sa championship sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Pero ang makasaysaÂyan sa pangyayari, ang Cagayan pa lamang ang natatanging koponan na nagkampeon na hindi nakakatikim ng pagkatalo matapos ang 16-laban.
Hindi naman sinolo ni Pamilar ang tagumpay kundi kanyang tinuran ang kanyang manlalaro na nagsakripisyo ang dapat bigyan ng pagpupugay.
Ang management din ng Cagayan ay dapat paÂsaÂlamatan dahil pinagbuklod ang mga manlalaro sa loob ng mahabang panahon.
Ito ay bukod pa sa pagsuporta sa desisyon na kunin bilang mga imports sina Kannika Thipachot at Phomia Soraya.
Ang dalawang Thai plaÂyers ang kumumpleto sa kailangan ng koponan dahil pinatatag ni Thipachot ang attacking game ng Cagayan habang ang opensa ay nagmula sa setter na si Soraya.
Dahil sa magandang ipinakita ni Soraya na nakaÂtapat ang mahusay na si Rubie De Leon ng Net SpiÂkers, siya ang kinilala bilang Finals MVP.
Sa kabilang banda, taas-noo din na tinapos ng Smart ang kampanya lalo pa’t ang tropa ni coach Roger Gorayeb ay nakarating ng Finals kahit sinimulan ang kampanya bitbit lamang ang pitong manlalaro.
Ganito ang nangyari dahil ang mga napusuan na sina Alyssa Valdez at Dindin Santiago ay hindi agad napahintulutang makapagÂlaro ng kanilang paaralan. Natagalan din ang pagkuha nila ng mga imports.
Nakumpleto rin ang koponan at tinalo ang dating kampeon Philippine Army sa Final Four.
Pero laban sa mas solidong team ng Cagayan, kulang ang individual talents para makuha ang titulo.