^

PSN Palaro

Umukit ng kasaysayan sa V-league karanasan susi ni pamilar sa kampeonato ng Cagayan

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi  na bago para kay coach Nestor Pamilar ang hu­mawak ng champion  team.

Ang 47-anyos na si Pa­milar ay isang winner sa la­rangan ng volleyball dahil noong manlalaro siya ay kabilang siya sa koponan ng FEU na nanalo sa UAAP habang siya ang coach noong nagkampeon ang Letran sa NCAA.

“Noong nanalo ang FEU  sa UAAP noong 1986, 37-years na ang nagdaan noong huling nakatikim ng title ang Tamaraws. Noong nanalo naman ang Letran sa NCAA women’s volleyball noong 1997, tinapos nila ang 12-year drought,” tila pagmamalaki ni Pamilar.

Nadagdagan ang ki­nang niya sa team sport  na ito nang maihatid ang Cagayan Province sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference nang walisin ang best-of-three Finals nila ng Smart-Maynilad.

Ito ang unang titulo ng Lady Rising Suns sa dalawang sunod na pagtapak sa championship sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Pero ang makasaysa­yan sa pangyayari, ang Cagayan pa lamang ang natatanging koponan na nagkampeon na hindi nakakatikim ng pagkatalo matapos ang 16-laban.

Hindi naman sinolo ni Pamilar ang tagumpay kundi kanyang tinuran ang kanyang manlalaro na nagsakripisyo ang dapat bigyan ng pagpupugay.

Ang management din ng Cagayan ay dapat pa­sa­lamatan dahil pinagbuklod ang mga manlalaro sa loob ng mahabang panahon.

Ito ay bukod pa sa pagsuporta sa desisyon na kunin bilang mga imports sina Kannika Thipachot at Phomia Soraya.

Ang dalawang Thai pla­yers ang kumumpleto sa kailangan ng koponan dahil pinatatag ni Thipachot ang attacking game ng Cagayan habang ang opensa ay nagmula sa setter na si Soraya.

Dahil sa magandang ipinakita ni Soraya na naka­tapat ang mahusay na si Rubie De Leon ng Net Spi­kers, siya ang kinilala bilang Finals MVP.

Sa kabilang banda, taas-noo din na tinapos  ng Smart ang kampanya lalo pa’t ang tropa ni coach Roger Gorayeb ay nakarating ng Finals kahit sinimulan ang kampanya bitbit lamang ang pitong manlalaro.

Ganito ang nangyari dahil ang mga napusuan na sina Alyssa Valdez at Dindin Santiago ay hindi agad napahintulutang makapag­laro ng kanilang paaralan. Natagalan din ang pagkuha nila ng mga imports.

Nakumpleto rin ang koponan at tinalo ang dating kampeon Philippine Army sa Final Four.

Pero laban sa mas solidong team ng Cagayan, kulang ang individual talents para makuha ang titulo.

 

ALYSSA VALDEZ

CAGAYAN PROVINCE

DINDIN SANTIAGO

FINAL FOUR

KANNIKA THIPACHOT

LADY RISING SUNS

LETRAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with