MANILA, Philippines - IBA, Zambales-Apat na gold, apat na silver at dalawang bronze medals ang kinuha ng Quezon City para mapanatili ang overall lead sa Batang Pinoy Luzon leg.
Sa natitirang isang araw bago matapos ang event, kumolekta ang mga Big City athletes ng 81 medals mula sa kanilang nakuhang 36 golds, 20 silvers at 25 bronzes.
Ang apat na gintong nasikwat ng Quezon City ay nanggaling kina Christian Bulagsac, Lea Monique Gonzaga, Abigail Valera at Heidi Mae Pinon sa nasabing five-day competition na inorganisa ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee katuwang ang mga Local Government Units.
Nakasuot ng dilaw na t-shirt at abuhing short at rubber shoes, sinabi ni Batang Pinoy in-charge PSC Commissioner Jose Luis Gomez na ang bilang ng mga partisipante ay pagpapatunay sa malakas nilang grassroots sports program sa ilalim ni chairman Ricardo Garcia.
“This is your show. Paghusayan n’yo para manalo kayo sa national finals sa Bacolod. The PSC will provide the medalists with airfare. Give all your best shots and bring home medals,†wika ni Gomez.
Nagtala ang Quezon City ng 15 golds, 14 silvers at 21 bronzes sa swimming event para talunin ang Manila at Laguna sa harap ng mga manonood sa Zambales Sports Complex.
Pumangalawa naman ang Baguio, nagkampeon no-ong 2011, sa kinolektang 90 medals buhat sa 32-33-25 kasunod ang Pangasinan na may 61 medals (23-17-21), Manila na may 19 medals (13-3-3) at ang Laguna na may 52 medals (11-15-26).
Ang mga Pangasinense ang nagdomina sa athletics ngunit natalo naman sa swimming at iba pang sports kaya sila iniwanan ng Quezon City para sa overall title.