Nalusutan ang JRU EAC nakasilip ng pag-asa

STANDINGS        W    L

Letran                   14     3

San Beda             13     3

Perpetual            11    6

San Sebastian    9     7

EAC                        9     8

Arellano               7     9

Lyceum                7   10

Jose Rizal U         6   11

St. Benilde    5    11

Mapua 2   15

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. Lyceum vs St. Benilde (Srs.)

6 p.m. Letran vs San Beda (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Naligtasan ng Emilio Aguinaldo College ang arangkada ng Jose Rizal University sa fourth quarter para kunin ang 78-68 panalo at makasilip ng tsansa para sa Final Four sa 89th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtayo ang Gene­rals ng isang 11-point lead bago nakadikit ang Heavy Bombers sa dalawang pun­tos na agwat sa final period.

Si Josh Paguia ang nag­salpak ng mga clutch baskets para ibigay sa EAC ang tagumpay.

Kailangang manalo ang Generals laban sa Cardinals sa Huwebes at isabay ang panalangin na matalo ang Stags sa isa sa huli nitong dalawang laban, kasama dito ang laro kontra sa Altas kagabi.

Sa pangunguna nina Philip Paniamogan at Cris Jordan dela Paza, buma­ngon ang Jose Rizal buhat sa isang 11-point deficit sa pagtatapos ng third period para makadikit sa 62-64 agwat sa fourth quarter.

Ngunit iyon na ang na­ging huling paghahamon ng Kalentong-based ca­gers dahil nagbida si Paguia para sa EAC nang umiskor ng anim sa huling 10 markers ng Taft-based dribblers sa final canto.

Tumapos si Paguia na may 11 points, 10 rebounds at 2 assists.

Humakot naman si Ca­meroonian import Nou­be Happi ng 18 points para banderahan ang Generals kasunod ang 15 ni Jan Jamon, 12 ni Jack Arquero at 11 ni John Tayongtong.

Umiskor si Michael Mabulac ng 19 markers sa panig ng Heavy Bombers, habang may 14 si Paniamogan.

EAC 78 -- Happi 18, Jamon 15, Arquero 12, Paguia 11, Tayongtong 11, Castro 7, Onwubere 2, Morada 2, Saludo 0, Hiole Manga 0, King 0, Munsayac 0.

JRU 68 -- Mabulac 19, Paniamogan 14, Lasquety 9, Dela Paz 7, Abanto 6, Salaveria 5, Grospe 4, Sanchez 4, Benavides 0.

Quarterscores: 27-16; 44-32; 62-51; 78-68.

Show comments