^

PSN Palaro

Roach kukuha ng bagong sparmate ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikukunsidera ni boxing coach Freddie Roach ang pagdaragdag ng isa pang sparmate para kay Manny Pacquiao, nasa maigting na paghahanda ngayon sa General Santos City para sa kanyang Nov.  24 fight kontra kay Brandon Rios sa Macau.

Sinabi ni dating two-time world champion Gerry Peñalosa, nasa GenSan at sinusundan ang paghahanda ni Pacquiao, na maaaring kumuha si Roach ng isa pang sparring partner mula sa abroad.

Ayon pa kay Peñalosa, maaaring hilingin ni Roach sa kanyang Filipino assistant na si Marvin Somodio na magpadala ng isang sparmate kasama si strength and conditioning coach Gavin McMillan.

Nakatakdang dumating sa bansa sina Somodio at McMillan sa Miyerkules mula sa Los Angeles.

Sina Somodio at McMillan ang makikita sa corner ni Ruslan Provodnikov sa pagsagupa ng Russian kay Mike Alvarado ngayon para sa WBO lightwelterweight title sa Denver.

Kinumpirma ni Somodio ang kanilang pagdating ni McMillan sa isang text message mula sa Denver.

Sinabi ni Peñalosa na dapat kumuha si Pacquiao ng mas malalakas na sparring partners.

Ang kasalukuyang mga sparmates ni Pacquiao ay sina Liam Vaughan ng England, Fredrick Lawson ng Ghana at si dating PABA lightwelterweight champion Dan Nazareno ng San Fernando, Pampanga.

 

vuukle comment

BRANDON RIOS

DAN NAZARENO

FREDDIE ROACH

FREDRICK LAWSON

GENERAL SANTOS CITY

GERRY PE

LIAM VAUGHAN

LOS ANGELES

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with